... the game called life. Wherein it is in trials that we grow to be beautiful.

Saturday, October 07, 2006

la lang...

Antagal ko ng hindi nag-blog. Hindi ko na ata alam kung paano mag-blog! Hehe!
Kamusta naman ako?
Eto, mejo busy sa work. Sa katotohanan hindi lang mejo, busy talaga ako. Minsan nga pag iniisip ko kung ano ang pinagkakabisihan ko, di ko maisip o maalala man lang. Basta minsan di na lang ako halos makausap at makatayo sa upuan ko (kaya ako tumataba e) sa dami ng ginagawa at gagawin. Ayun pa ang isa. Tumataba ako. Argh! Nakakainis. Masaya ako sa trabaho ko pero parati pa din akong late pumasok. Ang hirap gumising sa umaga e. Hindi ganun kadami ang tawag na natatanggap ko. Taga-sagot na lang ako ng email. Minsan pa yung mga email na komplikado ang naka-toka sakin pero keri lang. Ganun e. Taga-sita din ako ng pasaway at taga-motivate ng mga kasama ko. Taga-turo din sa tamang daan sa mga bago naming kasama. Kung gayon, ako'y isang "TAGA". Malapit na ang pasko. Excited na naman ako. Hahahahaha! Gusto ko manood ng concert ni Regine. Paano kaya yun? Mafufuyat ako... Bahala na si Batman. Ayan, nagba-blabber na lang ako. Ansaya-saya!
O siya, sa uulitin!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home