... the game called life. Wherein it is in trials that we grow to be beautiful.

Saturday, April 21, 2007

Naisip ko kaninang umaga pagka-gising ko matapos kong tumingin sa messages ng cellphone ko na tatanggapin kaya ako bilang Trainer sa ibang call cente. Sa palagay ko hindi. Hindi kasi ako magaling magsulat at magsalita ng tama. Kasalanan ko ito. Hindi kasi ako nakinig sa teacher ko nung bata pa ako habang nagtuturo siya ng Ingles. Nakakatawa na naisip ko yan ngayon habang ako ay nagtratrabaho sa call center. Napaka-ironic.
Naisip ko din pwede ako sa IT department. Kahit paano me alam ako. Pero naisip ko hindi pa ata sapat.
Magaling lang siguro akong umarte at dumiskarte. Nakakalungkot naman. Binabaon ko na naman ang sarili ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home