Me masabi lang
I have a daunting task underneath this MS doc that I am typing in. Yes, I am procrastinating. I haven’t blogged for quite some time or I may be just being overly dramatic. Up to you. You choose. There are a couple of things I wanted to share that was why I decided to blog first.
Finances
Ay kay hirap naman pala talagang mag handle ng finances. Nalulula ako sa gastos naming magasawa every month. I tried to look for the culprit and I found it. So for June, bawal muna sundan ang kanta ni Regine na “Tara, byahe tayo!”. Ako ay mananatili kung nasan man ako. No going to the beach or elsewhere. Hopefully, maka-save kami. Natutugatig na naman ang financial security ko e. I need to address this or else mastre-stress lang ako. Wag na lang din kaya kami kumain? Maka-save kaya kami ng bongga? Tanga lang. Hahahaha!
Work
Ayun, 50 days into my new job and kamusta naman ako? Siya yung tipo ng trabaho na when it rains e it rains and pours talaga. Mga tipong 11-12 hours akong nasa opisina at pag-uwi ko e di na ako makausap ng matino ni John. Parang weekly basis siya e. One after the other. Busy, light, very busy, light, busy, very light. I guess ang pinaka-ok na state e yung light. Napaka-extreme kasi nung very busy at very light. Pareho lang ang feeling na napro-produce sakin. Yung feeling na I want to bang my head against the wall. Do I regret my decision to move to this team? Hindi pa naman. Mahal pa naman nila ako e. So I heart them din. I like my new boss. Maayos, magaling at matino. Ika ko nga, swerte ako sa mga nagiging boss ko. Lalo na yung ngayon at nung huli. Yung huli lang e me sipak minsan pero tolerable naman. Lab ko yun, don’t get me wrong. Me mga POV lang kami na di tugma pero napaguusapan naman namin. Masaya din ako sa mga boss ng boss ko ngayon. Yung dati kasi, well, kakanta na lang ako ng: “Monkey, monkey, Annabelle. How many the monkey did you see?”
Yan yung 2 aspeto ng buhay ko ngayon na pinaka-apektado ako ngayon. Life is good pa din despite of semi-neurotic work hours and work days. Tanggap ko na yun. Now, I’ll stop procrastinating and go back to work.
PS
Nasabi ko na ba ever na when I realized that I am married to Brother John e it instantly puts a smile to my face? Pakinangsyet, mushy! Hahahahaha!
Labels: la lang