updates chuvaness
Bago ang lahat magra-rant lang ako regarding sa mga magnanakaw kong kapitbahay. Magnanakaw talaga? Hahaha! Kasi naman nakikigamit sila ng login and password namin ng walang paalam tapos nagmimilagro pa using it. Ang bongga lang. Parang gusto ko din silang saktan ng bonggang-bongga. I distinctly remember a few weeks before my PM shift days were over na me nagre-run ng report gamit ang login namin. Ang lakas ng boses nung kasama ko habang nagtatanong kung sino nagre-run di man lang sila umamin. Kung mabuti silang kapit bahay, sana sinabihan man lang nila kami. Apparently, di sila butihing kapit bahay. Bwiset! Dahil jan, markado sila sakin. Pakshet sila. Haay!
Sa ibang chismis. Naisip ko the other day na OK din naman talagang Manager si Jelo. I like his vision and he make things happen as much as his power can. Minsan di kaya ng powers niya kasi nga naman andami din niyang boss.
At sa iba pang chismis. Grabe! For this week pa lang, andami kong nagawang work. For a change! Hahaha! Natutuwa nga ako e. Walang sinabi ang downtime nung PM ako. I want to be better. I'll work to be better.
At sa chismis tungkol sa kasal. Natapos na namin yung pre-nup shoot namin last Saturday. Sabi nga ni John ang hirap pala ng mga photo shoots. 3 hours worth of posing and 3gig worth of data/pix. Susme! Nakakapagod!
Sa ibang chismis pa. Nag-init ang ulo ko dun sa isang analyst ko. Sa lahat ng ayoko talaga e ang pinangungunahan ako. Ano pang point ng pagiging supervisor ko kung di mo naman susundin ang sinabi ko. Pwede naman magtanong kung me gusto kang iklaro sa sinabi ko e. Pero yung hindi magtanong at magdesisyon para sa team KO ng hindi ko alam... Parang di tama yun. At ayoko talaga yun sa lahat. Lahat ng desisyon ko me basehan. Hindi ako adik na bigla-bigla na lang nantri-trip. I hope that person got my point when I told her that I don't make decisions out of whim. Especially if it involves my team. In the end, I am the one primary held responsible so I think I get a credit out of it to have a say on a lot of things. Yun na!
Last na. Bad trip kasi tong Globe e. Sobrang panget ng BlackBerry service. Tatawag tapos na ang bakbakan. Tinanong ako: "Me ginawa po ba kayo nung na-resolve?". Sabi ko: "Nag push ng Service Books." Sabay sabi: "Ah ganun na lang po sa susunod, i-push niyo na lang po yung Service Books." Sinagot ko nga: "Ginawa ko yun beforehand. Ayaw pa din nung una. Tapos bigla-bigla kahapon gumana na lang." Sumagot pa: "Next time po reset niyo din yung unit at tanggalin ang batt." Sinagot ko uli, tanga e: "Ginawa ko yun. Nag-wipe din ako ng unit at sinend ko lahat ng sine-send galing sa BES namin. Wala pa din." Di na siya nakasagot. Late na nga ang tawag, wala pang silbe. Atsaka, sinabi ko sa customer care lahat ng ginawa ko dun sa mga units. I only call them when I run out of things to do and I don't get anything from them either kasi lahat ng gusto nilang ipagawa sakin e nagawa ko na. Kaya lang naman ako tumawag nunga raw na yon kasi sa dinami-dami ng gumagamit ng BB sa office, 3 lang ang me problema. At lahat sila Globe ang provider. Fishy di ba? Walang silbe talaga ang BB support ng Globe. Kaya nga ba nire-request naming ilipat na sa Smart lahat ng BB users. Panalo ang BB service nung mga yun e...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home